Nagpulong
ang mga pantas, upang 'to'y maisabatas,
Mayro'n
ilang tumaliwas, pakiwari'y hindi patas,
Nang
resulta ay lumabas matutuloy din sa wakas.
Ang
tanong ngayo'y paano, karamiha'y nalilito,
Kahit
'yung matatalino halos lahat problemado,
Ang
iba'y walang trabaho, bagsak ang ilang negosyo,
Pag
mamutol ang MERALCO, tiyak bagsak iyong grado.
Kahirapan
ang dahilan, hindi lamang ng iilan,
Sa
iba ang kahinaan, sa panuos walang alam,
Anu
ang matututunan, ating mga kabataan,
Ang
tanging may kahandaan, yaong mga mayayaman.
Computer
laptop at tablet, cellphone TV at internet,
Mga
mamahaling gamit, tunay ngang kaakit-akit,
Ngunit
kahit na ipilit, sa 'min inyo ngang igiit,
Ang
tanging laman ng wallet, kulang pa pag nagkasakit.
Payak
na pasasalamat, sa mga gurong matapat,
Sa
tulad namin na salat, kami'y inyong kabalikat,
Tinurua't
iniangat, 'di tinuring na pabigat,
Sa
inyo ang nararapat, mansanas na mayro'ng kagat. 😃
©MobiBard
No comments:
Post a Comment