Showing posts with label Musikatla. Show all posts
Showing posts with label Musikatla. Show all posts

TANGING IKAW

TANGING IKAW
Words & Music: Chris Opeña Orcuse

Noon pa ma'y pinagmamasdan na kita,
Handang ibigay sa'yo nais mo sinta,
Ngunit bakit naman lumalayo ka,
Ang naisin ko lang naman sana,
Tangapin ang alay kong pag-ibig sayo.

Kung nalalaman mo lamang na tanging ikaw,
Laman ng puso't isipan ko bawat araw,
Lumapit ako sa iyong totoo,
Maunawaan mo ako ng husto,
Buhay ko nilaan lamang sa'yo.

Koro:
Basta't ikaw tanging ikaw,
Sa buhay ko'y ikaw ang tanging 'sinisigaw,
Basta't sa'yo tanging sa'yo,
Sa'yo ko lang nadarama ang damdaming 'to.

©MobiBard
Intellectual Rights Reserved.
Tanging Ikaw
Photo Credit: Jireh Chris S. Orcuse

KAHIT BATA MAN

KAHIT BATA MAN
Words & Music: Chris Opeña Orcuse

Kahit munting bata man ako,
Mura pa ang isipan,
Ngunit nalalaman kong,
Kabahagi ako sa kaharian.

'Di man kaya pang bigkasin,
Ang mga nararamdaman,
Ngunit batid ng puso na mahal ni Hesus,
Ang katulad kong bata lamang.

Koro:
Kahit bata man ako,
Laan naman sa puso ni Kristo,
Ang pagmamahal Niya'y pananaligan ko,
Ipamamalas din sa mga batang katulad ko.

©MobiBard
Intellectual Rights Reserved.
Fast Readers Christian Learning Center 4th Clossing Exercises

HILING

HILING
Words & Lyrics: Chris Opeña Orcuse

I.
Mayro'n akong hiling,
Sa Kanya ko lamang ma'aring sabihin,
Noon pa ma'y batid na ang nais,
Nitong damdamin.

II.
Ang tangi kong hiling,
Sana sa buhay ko at makapiling,
'Di man pinapansin,
Idadaan nalang sa panalangin.

Koro:
Sana ay dumating na rin ang panahon,
Na nakamtan ko ang Kanyang tugon,
Na ang hiling ng puso ko ay makapiling ka,
S'yang kalooban N'ya.

Sana ay dumating na rin ang panahon,
Sa dalangin ko ikaw ang s'yang tugon,
Lumipas man ang mga panahon,
Maghihintay pa rin sa kalooban ng Panginoon.

©MobiBard
Intellectual Rights Reserved.
Hiling

YOU ARE THERE

YOU ARE THERE
Words & Music: Chris Opeña Orcuse

I.
You are there,
Just the moment when my hope was almost gone,
You are there,
Just to hold me and to show me that you care,
As you whisper in my ear.

Chorus:
"I love you and I will care for you,
Never to leave when you're alone,
Even when things surround you seems go wrong,
I will hold you all along,
Cos here beside me,
You can rest assured".

II.
You are there,
Just the moment when my faith is sinking fast,
You are there,
To surround me with the hymn of your sweet love,
As you sing forth in my heart.

Bridge:
There are times when I'm down,
And the fear goes around,
And I'm slowly getting drown,
But your voice keeps on telling me...

©MobiBard
Intellectual Rights Reserved.
You Are There
Campidhan Beach, San Julian, Eastern Samar, Philippines / Jehu Orq