Showing posts with label Cottier's Poem. Show all posts
Showing posts with label Cottier's Poem. Show all posts

RÉSUMÉ

Jotting down the summary
Of you and mine life’s history
Attaching papers that are apropos
And doing it with no delay.
 
And we choose words accurately
Write them meticulously
At last, we pay a cheerful smile
When people read our résumé.
 
We pride ourselves with accolade
Those great remarks we wouldn’t hid
We couldn’t wait to spread and show
Eager to speak, people must heed.
 
For this is what our heart believes
People must see the good we did
Failures that make our hearts to frown
We build façade so we can hide.
 
The lonely word we all agree
Is the bare truth of honesty
And to be real to let and show
The only way to being free.
 
Now here’s the real mystery
Be-loved by Him I’m not worthy
Yet braced by an amazing love
Spread His arms and rescued me.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

BANGKETE

Itong si Mang Lopab ay sikat sa bayan,
Maraming katulong dagsa sa tauhan,
Na nangagsisilbi’t nagpapaligsahan,
Dahil may pabuya sa nagugustuhan.
 
At nagpatayo pa ng bagong kamalig,
Mga bagong ani apaw na’t niliglig,
Habang walang tigil traktor na kuliglig,
Laging nililinang taniman na bukid.
 
At napipilitan ilang ‘di pinalad,
Iprenda ang manang lupa kay Mang Lopab,
Sapagkat kapos na ang perang pambayad,
Pangmamatrikula: bunsong nasa syudad.
 
Ang mayamang Lopab nagdaos ng piging,
Mga imbitado dagsaang dumating,
Mayama’t mahirap naging panauhin,
Lahat nangabusog nang magsipagkain.
 
Sa kalagitnaan nitong pagsasaya,
Pinatigil muna pagtugtog ng banda,
Dahil may anunsyong napakahalaga,
Mga naroroon agad tumalima.
 
Sa may entablado ay kumaway-kaway,
Inisa-isa n’ya kaniyang tagumpay,
Sukli ay palakpak, hiyaw, at wagayway,
Tuloy kasiyahan, todong walang humpay.
 
Mga panauhin nang magsipag-uwi,
Agad si Mang Lopab sa k’warto nagawi,
Habang bitbit-bitbit ang kaniyang susi,
Plakda sa higaan na parang nalugi.
 
At maya-maya pa pintúa’y kinatok,
Ang silid-higaan niya ay pinasok,
‘Yon pala ay takdang si Lopab itampok,
Nitong Kamatayan kung saan na pook.
 
Ang porma at asta ang sigla at kisig,
Animo’y halamang hindî na nadilig,
“Hangal! Kalul’wa mo ay ipagsusulit”,
Haharap sa Hukom hungkag walang bitbit.
 
Napal’tan ng lungkot ang kanina’y piging,
Dahil si Mang Lopab ngayo’y nakahimbing,
Sa isang ataul tila mamahalin,
Daming nakiramay, lahat nakikain.

©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

MERCY

Oh, envy has been laying within my inward parts,
Choking me lil' by lil' tearing my sp'rit apart,
Until God send a message a blessing to impart,
In haste I ran away but then I can't depart.
 
I was cast to the bottom upon that angry sea,
And in the deepest darkness a-giant fish welcomed me,
A grave-wide mouth opened slowly swallowed me,
A flabbergasting moment I was in Nineveh!
 
Alas! I learned a lesson a big realization,
When men regard vain idols, they are in alienation,
Only appeasing mercy marvelous imputation,
Can save a wretch vile like me and receive great salvation!
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

GURONG PINOY

May isa nang dekada suot-suot ang bota,
Ito ngang si Mang Dencio animo'y mag sasaka,
Kung hahalungkatin mo 'yung backpack sa likod n'ya,
Lesson Plan, uniporme, may baon pang pacencia.
 
Ga-munggo yaong pawis kakaakyat panaog,
Halos pito na bundok ang kanyang sinususog,
Upang mabahaginan kaalaman at dunong,
Kabayang 'di pinalad, pamilyang nagdarahop.
 
Kanyang mga daliri animo ay pasmado
At di na tumatama sa tama na tiklado,
Paggamit ng panuos tila baga kabado,
Gurong 'di sumusuko 'yan si Ginang Lacdo-o.
 
Ang kanyang kasipagan ay 'di matatawaran,
Sasakay pa ng bangka patungong eskwelahan,
Kaya nga dobleng ingat si mamang tigasagwan,
Dahil kung mamalasin b'waya'y magpipyestahan.
 
Ballot box kanyang bitbit ingat sa mang-uumit,
Mahigpit ang pagkapit upang hindi mawaglit,
Pag boto ay kinulang tiyak may magagalit,
Kandidatong natalo sa guro mag ngi-ngingit.
 
Sa s'yudad ma't probinsya mga guro'y itanghal,
Paggalang ay igawad ibalik sa pedestal,
Sa bagong henerasyon imulat ipangaral,
Guro na Pilipino dakila at marangal.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

DE LATANG PATIBONG

Hindi mahihiya ako ma'y laitin
Hanggat ang puso ko'y tama ang layuin
Tawanan man ako't siraan, libakin
Ang lahat ng ito'y kayang palagpasin.
 
Kahit paratangang ako'y walang alam
Sadyaing ihambing latang walang laman
Sa mga pangutya puso ma'y masaktan
Pilit na titindig matapos yurakan.
 
At kung sisipatin ang ako at ikaw
Tiyak kong ikaw ma'y nakakabulahaw
Kung pagkukunwari nama'y 'sinisigaw
Ay mas masahol pang ingay sa batingaw.
 
Kaya pag ang Ulap ay tila nangitim
At ang kalangitan ay biglang magdilim
Ipagpasalamat ang ulang darating
Huwad na puso at budhi'y lilinisin.
 
Ngunit paghandaan lakas ng Daluyong
Na may ipo-ipong pumapailakbong
Baka sa sariling lakas nakatuon
Nabitag na pala ikaw sa patibong.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

MALABO NA NGAYON

Matanaw pa kaya sa dako pa roon?
Naiwanang bakas ng ating kahapon,
Mangangahas kayang tuluyang itapon?
Masasayang tagpong gunam-gunam ngayon.
 
Minsa'y nagtatanong isipang malikot,
Ba't saya nang noon nabaon sa limot?
Dahil ba sa bagong industriyang robot?
Kakapanginain-mga pook-sapot?
 
Leksyong makukuha ay pakasipatin,
Mga bata noon at ngayon hambingin,
Sapagkat dito nga ay masasalamin,
Kung saan marapat na magpaalipin.
 
Dahil sa hikahos yaong karamihan,
Di makapabili ng mga laruan,
Ngunit si Bathala'y likas na mayaman,
Lahat sa paligid naging kasiyahan.
 
Laruan na asam paggawa ay likas,
Mga bata noon may talino't lakas,
Ngayon na lalo pang dunong ay tumaas,
"Hinging load pang ML" laging binibigkas.
 
Aminin na minsan ay nakakatuwa,
Ang teknolohiya'y lantad na sa bata,
Ngunit pagkagumon ay di masawata,
Mainam supilin gadget ay iwala.
 
Tanggapin mang lubos na di na babalik,
Ang payak na mundo nating may hagikhik,
Mapalad kung iyong nayakap nang higpit,
Malabo na ngayon hanggat may internet.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

WHEN I HEARD YOU WHISPER

When I heard you whisper seems it was forever,
Like a piece of music played softly in my ear,
I can still remember every word you utter,
'Twas a hymn of great love a love beyond compare.
 
When I heard you whisper 'twas a peace that I found,
Never will I again by worries to be bound,
Then my heart will sing forth joyous song will resound,
For my anxieties by your peace has been drowned.
 
When I heard you whisper yeah, I was standing still,
The coldness of my heart it causes me to chill,
And extending your arms I feel standing up hill,
Glorious moment I have my longing been fulfilled.
 
When I heard you whisper my heart a fallow ground,
Hatred been aboding in this stone heart of mine,
But your voice keeps telling speaking love in time,
The shackles were broken! when true love came around.
 
When I heard you whisper a soothing healing balm,
Pains that keep on haunting now there’s no feeling qualm,
Embracing me so tightly your comfort makes me warm,
Your sweet love shelters me now with you I’ll be calm.
 
Now that we're together your love keeps me stronger,
As long as I can hear your sweet voice in my ear,
I will no more wander for love has its home here,
Not even go yonder for love has whispered here.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

AKINSE'T KATAPUSAN

Yumabong kaytulin ang hardin ni Islao,
Dahil dinidilig halos araw-araw,
Pag galit si misis at nagsisisigaw,
Tatalilis agad sa hardin dadalaw.
 
Sahig ay kumintab, gamit ay kuminis;
Himalang sinipag itong kanyang misis.
A-kinse nga pala at ibig magsulit,
Sa ibibigay n'ya ito ang kapalit.
 
Kaibigang sadik si mamang Indiano,
Tuma-timing lagi sa tuwing a-singko,
Dahil sa hulugang kumot-mosquetero,
Maniningil bago sa tong-its matalo.
 
Si misis nagtaka, si Islao wala pa,
Ang sabi'y dadaan, sasaglit sa perya,
At lingid kay misis iba ang punterya,
Sa beer house inabot nang mag-uumaga.
 
Ang pag aasawa sa iba'y pabigat,
Madalas sa puso ay nakasusugat,
At kung 'di pa handang balikatin lahat,
Sa pag-aasawa'y h'wag munang sumabak.

©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

REFULGENCE

Gazing upon the vast expanse,
Where glitt'ring stars in lofty dance,
A picturesque of sweet romance,
A grand design or happenstance?
 
Those golden lights amidst darkness,
Arrayed by awesome astuteness,
A display of apotheosis,
By One who's called Ancient of Days.
 
And up above that yonder sky,
Abodes He who indemnify,
Bore my sins at the cross and died,
Rose from the grave now glorified!
 
He left His throne to rescue me,
Snatched from pit setting me free,
His Holy Ghost my guarantee,
Until I'm home with Him someday.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

BIYAHE NG BUHAY

May ilang dekada na ring pagratsada sa buhay kalsada,
Minsa'y bakó-bakó at napapalihis pagmamanibela,
Napapataliwás sa daan na bagtas lalo kung kurbada,
Dapat ay may bitbit na kompas at mapa upang may panggiyá.
 
Biyahe ng buhay madalas sumuóng daang salungahin,
Mahabang pasensya kinakailangan laging pairalin,
Lalo kung madawag ay napakahirap ang nais marating,
Ipagpapatuloy hanggang sa makamit layon at mithiin.
 
Hadlang at pagsubok ay hindi palaging pighati ang dulot,
Ito'y pampatibay pananalig natin sa sarili at Dios,
Gawin na tuntungan sa bawat paghakbang iwaksi ang takot,
Ang nakararating hanggang sa hangganan yaong buong loob.
 
At sa paglalakbay sakaling abuting magtatakip-silim,
Usad lang nang usad 'di man maaninag sa yakap ng dilim,
Hanggat sa buo pa lakas at tiwala lahat titiisin,
At aasang bukas may magliliwanag araw na maning-ning.
 
Malakas ang alon nitong paglalakbay sa dagat ng buhay,
Kung hindi maalam magaang pagsagwan tiyak mangangalay,
Lakas ng daluyong at delubyong gatong nagdudulot-lumbay,
H'wag na h'wag susuko pagkat ang biyahe matira matibay.

©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

ANG PANGAKO NG PAG-IBIG

Ibáyong insayo ang ipinuhunan,
Maibulalas lang ang nararamdaman,
Dila'y umuurong ng di nalalaman,
Nau-u-u-utal at kinakabahan.
 
Tunay na pag-ibig ay wala raw takot,
Ngunit pag nand'yan na lakas nau-udlót,
At itong pag-ibig di raw mapagimot,
Ngunit di papayag sa iba'y idulot.
 
Hindi pinapansin lakbaying malayò
Masulyapan lamang sintang sinusuyo,
Tila may milagro't hiwaga ang puso,
Kapag mahalina't puso'y marahuyo.
 
Hanggang sa mangako ang magkasinliyag,
Na ang maghiwalay ay di ipapayag,
Laging didiligin pagsintang maalab,
Hanggat nabubuhay saan man mapadpad.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

KALYO

Marahang kinapa ang paltos sa palad na humapdi bigla,
Pumikit sandali pagmulat ng mata ngayo'y nga'y tulala,
Tila nagtatanong ngunit kasagutan tila baga wala,
Ngunit di titigil kalyo ma'y kumapal tuloy lang sa gawa.
 
Ang bitbit na itak tanging sandata n'yang animo'y kabiyak,
Puluha'y kuminis tandang marami nang pawis ang pumatak,
Hindi man sinadya buhay na tinahak sa tulad n'yang hamak,
Sa hamon ng buhay hindi palulupig at 'di pasisindak.
 
Tila ay manhid na ang kamay at paa na balot ng grasa,
Sa apat na sulok isang lumang talyer buhay n'ya'y hinulma,
Hindi iniinda kung minsa'y maipit ng bakal ang paa,
Dahil sa pag-uwi ay may isang anghel sa kanya'y kakanta.
 
Kaygandang awitin tila 'yun ang dating sa mga tsikiting,
Sa sigaw ng mamang may pasan na pingga at boses matining,
Kahit eskinita na medyo madilim kanyang papasukin,
Handog n'ya ay saya kalusuga'y dala pawi ang galimgim.
 
Ang pagod at puyat kulog man o kidlat araw ma'y sumikat,
Ay di patitinag hanggat sa buo pa kanyang lumang lambat,
At habang libre pa ang mamalakaya sa asul na dagat,
Magpapahinuhod hanggang makahuli isdang ipapangat.
 
Halos ay mapudpod swelas ng sapatos pagsunod-pagsugod,
Sa parke't simbahan sa mga pasyalan sila'y nakakubkob,
Buhay litratista hindi iniinda kahit anong pagod,
Litrato'y ma'lapat anggulo at sukat sulit na panghagod.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

SAMPALATAYA

Ang "sampalataya" ay dal'wang salita,
Una ay ang "sampa" pangal'wa ay "taya",
Talasalitaang may tagong hiwaga,
Dapat inaaral at inuunawa.
 
Dahil sa mayaman ang ating panitik,
Dapat binabaybay ang bawat tilamsik,
Kung ito'y aralin ay kaakit-akit,
Animo'y palayang kung mamunga'y hitik.
 
Ang "sampalataya" anu nga bang saysay?
Kung 'di maaarok tunay na hulagway,
Upang kanyang diwa laging manalaytay,
Huminto na muna at magnilaynilay.
 
Ang salitang "sampa" kung uunawain,
Ay kapayapaan dulot sa damdamin,
Lalo na't biyahe ng buhay matulin,
Isampa kay Kristo S'yang Kapitan natin.
 
At kung buhay naman sa Dios itataya,
Lubos ang panalo tiyak walang daya,
Langit na pangako siyang gantimpala,
Walang hanggang buhay masaya't payapa.
 
Pagsampalataya ay wala ring saysay,
Kung si Hesu Kristo 'di muling nabuhay,
Anong aasahan natin na tagumpay,
Kung tagapagligtas nanatiling patay?
 
Paskong Pagkabuhay ang siyang dahilan,
Kung bakit 'di tayo pinanghihinaan,
Pinagtagumpayan N'ya ang kamatayan,
Kaya marapat na S'ya'y pagtiwalaan.
 
Ang hamon ko ngayon sino ang tutugon?
Buo na tiwala kay Kristo ituon,
Pasani't hinaing sa Kanya isumbong,
Pagsampalataya sa Kanya'y yayabong.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

CLINGING TO THE VINE

For us to accomplish what the Master wishes,
Be connected always to the Vine as branches,
Gardener will visit fruits in us must He sees,
For when He is not pleased we'll be pruned and ablaze!
 
And so we must abide heeding all His advice,
Ourselves must be denied unto Him we confide,
Words and truth must be hide in our hearts should be tied,
As we lay down our pride in Him we sole rely.
 
To the Vine cling your heart and let it not depart,
For when we are apart we could never impart,
Bearing fruit is our part being heaven's sweetheart,
To be good and be smart and to have lionheart.
 
Thenceforth we can request and shall ask what we wish,
Everything in our list to His Name we'll addressed,
He will truly express and give us all the best,
Learn to wait and to rest and to pray and be blessed.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
Clinging to the vine

MY SOLITUDE

Bearing the weight, the magnitude,
Scattered debris and shattered hope,
Unknown dimension yet dreams unfold,
A broken cistern, my solitude.
 
A thirsty desert and dusty road,
Unfigured terrain and unknown world,
An empty vessel yet filled with words,
Looking for answer but none resolved.
 
Alas! I felt a prairie wind kissed!
Embraced the silence, comfort prevailed,
Trying to clench, embracing still,
Grasping Your spirit, Thy presence feel.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
My Solitude

HAMOG

Ang buhay na sa‘ting handog kahanlintulad ng hamog,
Ngayo’y ating nakikita maya’t-maya’y mahuhulog,
Kung hindi magiging tapat nitong buhay na kaloob,
Tila tayo’y nangangapa sa malabong tubig-ilog.
 
Kapag tayo nama'y laging maginhawa’t matiwasay,
Baka ang mga yapak natin malamang wala rin saysay,
Pag sakaling humarap na sa pagsusulit sa buhay.
Agad tayo na susuko dagli na manlulupaypay.
 
Ang mabuhay ay masarap iya'y 'di maitatanggi,
Kagaya nga ng bulaklak samyo ay kawili-wili,
Kanyang ganda'y pagmamasdan sa umaga hangang gabi,
Ngunit huwag lilimutin malalanta ang sarili.
 
Inihahalintulad din ang buhay sa mga damo,
Sa luntiang mga dahon tayo'y parehong pareho,
Ang angking kasariwaa'y basta nalang maglalaho,
Pag nalanta at natuyo sisilaban ng posporo.
 
Saglit lang din itong buhay kaparehas niya'y usok,
Pag umihip yaong hangin tangay tunay ngang alabok,
Kaya’t  iwasang pumikit dapat mata’y nakatutok,
Bigla na lang mawawala parang lobo na pumutok.
 
Itong buhay dadaan lang tandaan mo kaibigan,
Isa-puso't isa-isip na tayo'y mga putik lang,
Hinuhulma’t pinipino ng Diyos ating kapakanan,
Kailangan lang magtiis kahit kung masakit minsan.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

SLUMBER

I was standing when you passed by at the corner,
Suddenly our eyes met and a beautiful smile you did offer,
I bow my head looked at the ground and start to wonder,
Why I just can't resist your charm as you come closer.
 
Should I look back and smile on you seem someone whisper,
Or just let go the feelings and let it just linger,
For I don't want to hurt my heart not any longer,
The pain in me still remains when left by a lover.
 
Still my mind keeps telling to look on you further,
Yet such a chance to behold you I cannot bear,
And to despise your countenance would be to err,
I can't forgive myself for this when you left after.
 
When I looked back to behold you oh, you were still there,
That sweet smile captured my heart they became sweeter,
Then suddenly you reach my hands holding me dearer,
That was the sweetest dream I have while I'm on slumber.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
Slumber

GARATIYA

Minsan ako'y niyaya ni San Pedro gumala,
Kanyang ikinukwento sabik akong makita,
Pagdaka ay nabuksan pinto na mahiwaga,
Pinto pala ng langit, aba! ako'y nabigla!
 
Mga nasaksihan ko ay nakagugulantang,
Ang mga natanaw ay 'di ko inaasahan,
Tila baga'y sekretong sadyang nahiwagaan,
Animo ay nililo nagtalo ang isipan.
 
Mga dating lasenggo ang una sa nasulyap,
Dati na magnanakaw dito ay mahahanap,
Mga makasalanan dami kong nahagilap,
Mali nga ba si Pedro at akong nakausap?
 
Isipa'y nagtatalo tinanong ko ang Kristo,
"Sila ba'y nararapat patirahin Mo dito?"
Ang tugon N'ya sa akin tumagos sa'king puso,
"Sila'y nagtanong din kung bakit ka nandito?"
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

NGITI

Kahapo'y kaybigat aking pakiramdam,
Para bang ang mundo'y aking pasan-pasan,
Ngunit nang ngiti mo'y aking masulyapan,
Sumaya ang puso gumaang tuluyan.
 
Hindi sinasadyang ika'y pag-ukulan,
Mahalagang oras maging ng isipan,
Sa ngiting sintamis ng pulot-pukyutan,
Manhid lang ang pusong hindi tatamaan.
 
Maging sa paghimlay sa aking higaan,
Matamis mong ngiti'y taglay ng isipan,
Hindi ka mawaglit kahit sandali man,
Mga mata'y mugto sa kinabukasan.
 
Masaya ang pusong nagninilay-nilay,
Umaasang muling sana'y makasilay,
Matamis mong ngiting nagbibigay kulay,
Pang waksi nang lungkot pag bukang-liwayway.
 
Ngunit bakit ngayo'y tila kakaiba,
At tibok ng puso animo'y may kaba,
Matamis mong ngiti 'di ko na makita,
Nabalot nang lungkot pagdaloy ng luha.
 
Ngiti na sintamis ng pulot-pukyutan,
Ngayo'y hinalinhan ng nang kalungkutan,
Umampat na sana ang luhang dahilang,
Nagbura sa ngiting ngayon ay naparam.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
Ngiti

DALAMPASIGAN

Sa may tabing dagat pag-ibig ay namulat,
Kasin-saya ng alon at sing lalim ng dagat,
Kahit na may balakid 'di gagawing lumikat,
Ipaglalaban lagi pag-ibig kong tapat.
 
Magmula sa umaga puno na nang saya,
Minsan tawanan natin abot langit sinta,
Sa may buhanginan hawak kamay kita,
Kung minsan ay yakapin at bubuhatin pa.
 
Madalas tayo abutin hanggang sa takip-silim,
Uupo sa buhangin panay lambingan natin,
Pagdáka mga mata sabay pipikitin,
Hanggang maramdaman halik na madiín.
 
Minsan tayo'y inabot hanggang sa kinaumagahan,
Tayo ay magkayakap nang ating namalayan,
Akala ko kanina'y nananaginip lamang,
Narating natin ang rurok yaong kalangitan.
 
At pagkatapos noon 'di ka na muling nakita,
Araw-araw akong sa dalampasigan nagpupunta,
Nagbabakasakali na baka mapasyal ka,
Magpahanggang ngayon antay pa rin kita.
 
Heto ako ngayon sa t'wina'y nag iisa,
At ang dalampasigan kung pasyalan madalang na,
At kung baka sakali sumagi sa 'yong alaala,
At kung tatanungin mo heto ako may apo na.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
Dalampasigan
Campidhan Beach, San Julian, Eastern Samar, Philippines