May maidudulot kaya
sa'king abang kalagayan?
Mga paang nasa lusak maahon sa kahirapan,
Dahil tila walang sagot
sa sigaw o sa daing man,
Mistula ay minana pa mula
gasong kasanggulan.
O, akin ngang napagtanto
sa'king pagninilay-nilay,
Mga tanim ko't halaman
tuluyan ang pananamalay,
Dahil kulang sa patubig
na natatanging karamay,
Kung ulan lang aasahan
kawawang palay at gulay.
Sa mga nanunungkulan
aming dulog nama'y dinggin,
Maralitang mamamayan
panaghoy na kalingain,
Dahil sinasakang bukid
siyang bukal ng pagkain,
Lunong kat'wa;y mangatog
man patuloy na lilinangin.
Mayro'ng mapagkukuhanan
kakaylanganing abono,
Ngunit ani'y di sasapat
malamang pa'y abonado,
Aming payak na pamanhik
gobyerno ay sumaklolo,
Hindi nga ba't no'ng halalan binigkas sa entablado?
Ngunit kung laging
bangayan itong aming maririnig,
Sa mga nanunungkulan sino sa amin kakatig?
Ang tulong bang nakalaan
dakdakan lang ba ng bibig?
Hinahanap naming tulong
abono maging patubig.
©Mobibard / Intellectual
Rights Reserved.
No comments:
Post a Comment