Ang
kape at aklat kapiling kong sapat,
Mula
sa paggising hanggang sa pag inat,
Mata'y
ipupukol sa letra at sulat,
Habang
humihigop ng kapeng masarap.
Mga
impormasyon na nahahalungkat,
Sa
bawat taludtod maging pangungusap,
Ay nagpapamulat sa aking ulirat,
At
kamalayan ay tiyak masisipat.
Dapat
na labanan yaong kamangmangan,
H'wag
basta manalig sa usap-usapan,
Dapat
ay may aklat na binabasehan,
Kawangis
ng bato na matutungtungan.
Dapat
din turuan ating kabataan,
Na
ang pagbabasa ay makahiligan,
Lakas
ng katawan 'di lagi basehan,
Upang
magtagumpay sa bawat larangan.
Gisingin
ang diwa na naging kampante,
Ligligin
ugaing magkamalay muli,
Simulang
magbasa ng aklat magsipi,
Upang
karunungan muling magkasindi.
Kaya
ihanda na yaong taborete,
Sabayang
magkanaw ng barakong kape,
Ang
librong matagal nang pinid sa tabi,
Ay
buksan na muli't baybaying maigi.
No comments:
Post a Comment