Kailan mawawakasan danas nating kahirapan,
Sana'y muling masaksihan matatamis na ngitian,
At nawa'y 'di na matakpan yaring angking
kagandahan,
Maibalik na ang saya walang humpay na huntanan.
Ang ingay ng mga batang madalas nagtatawanan,
Musika ang s'yang kawangis pag sila'y
naghalakhakan,
Ngunit ang nakakalungkot sila man ay binusalan,
Sa takot na pati sila mahawa sa karamdaman.
Sana bukas pag gising ko ngiti nila'y 'di na
takpan. ♥️
©MobiBard
Intellectual
Rights Reserved.
No comments:
Post a Comment