Kamakailan lang sa may
kabayanan,
Itong sina Chairman ay
nagkatuwaan,
Mga matatanda
pinagkaisahan,
Sa larong takbuhan sila’y
sinubukan.
Abá! Int’resado raming
na-engganyo,
Ayaw magpa-awat lahat ay
may gusto,
Matibay naman daw ang
tuhod at butó,
Dahil kumakain ng prutas
na chikoo.
Hindi man ans’yano ako’y
mahilig din,
Hindi sa takbuhan kundi ang kumain,
Nang prutas na chikoo
h’wag lang mabibitin,
At upang sa sanga’y hindi
lumambitin.
Ang prutas na ito’y
mayaman sa calcium,
Pampatibay butó
phosphorus at iron,
Kung kayâ si lolo kumasa sa hámon,
Basta’t papayagang may
bitbit na baston.
Sa lamig at ubo mabisang
pangontra,
Lulusawing husto
namumuong plema,
Paninigarilyo’y tigilan
na sana,
Paghinga ay tiyak lalong
giginhawa.
Napakabisa rin nito na panlunas,
Sa buhok na minsa’y nagkakanda-lagas,
Butó ng langis lang ang makalulutas,
Sa pagkakapanot na bunga’y kangalas.
Mga bitaminang A, E, C,
na bitbit,
Gamot na mabisa at
nagpapakinis,
Gaganda na tiyak balat na
karetkét,
Pampabata tingnan
pampagandang kutis.
©Mobibard / Intellectual
Rights Reserved.
Ang ganda po ng pagkakatugma... habang binabasa ko bigla akong napatawa at naubo...tapos naghanap sa fb friends kung sila ay may pabiling chico
ReplyDeleteHahaha musta po nakakita po ba kayo ng chikoo?
Delete