GURO

Napawi ang pagod sa kapeng katuwang,
Kuadernong kapiling kanyang panulatan,
Antok nang-aakit pilit lalabanan,
Sinumpaang propesyon kanyang gagampanan.

Madaling araw na kung kanyang lubayan,
Kuaderno at lapis maging ang Lesson Plan,
Panuos gagamit konti man ang alam,
Pagpasa ng ulat sa kabatas-paaralan.

Masayang gagayak sa kinabukasan,
Animo ay piging ang paroroonan,
Kagabi na pagod at puyat 'di ramdam,
Makapiling lamang mga tuturuan.

Kung sila'y ituring pangal'wang magulang,
Mahigit tatlumpu na bata ang lulan,
Ang sariling anak sa kanyang tahanan,
Minsa'y nawawaglit at nalilimutan.

Kapag may reklamo ang isang magulang,
Kanyang haharapin kahit na hatulan,
Maging ang propesyon ay handang bitiwan,
Dahil ang tadhana minsa'y tampalasan.

Sila'y mga guro marapat hangaan,
Ngunit bakit atsay kung 'yong iparamdamam?
Sa radyo at TV nilalapastangan,
Dahil sa kanila kaya kayo nand'yan!
=======================
Intellectual Rights Reserved:
© MobiBard


No comments:

Post a Comment