Minsan sa handaan ako’y nakadalo,
Ah, hindi gatecrasher
ako’y kumbidado,
Okasyong kainan, abá! Gustong-gusto,
Kung di ko pa alam parehas lang tayo.
Sa raming pagkaing handa
sa lamesa,
Katakam-takam nga’t kahali-halina,
Nakatawag-pansin sa’king mga mata,
Yaong nakahaing pakông
ensalada.
Ang gulay na ito ay
pangkaraniwan,
Sa may tabing ilog ay
matatagpuan,
Kung sa paghahanap ay nahihirapan,
Mainam magtungo sa
Pamil’hang Bayan.
Mayaman sa calcium itong
ating gulay,
Ang ngipin at butó ay
pinatitibay,
Dahil may thiamine at
iron na taglay,
Maiiwasan na ang
panlulupaypay.
Hinahanap-hanap na tumpak
na tugon,
Sa “pa’no gagaan?” na
palaging tanong,
Dahil nga sa tabâ't
kalor’yang naipon,
Ang fiber sa pakô ang
tanging solusyon.
Upang mga mata ay maging
malusog,
Sangkap ang elétsong
tagapagtaguyod,
Kayâ maghanda nang
kayurin ang niyog,
Mag-gatâ nang Pakô kahit walang sahog.
©Mobibard / Intellectual
Rights Reserved.
No comments:
Post a Comment