Ngayo'y ating nakikita, mayat-maya'y
matutunaw, mahuhulog,
Kung hindi tayo magiging tapat, dito sa buhay
na handog,
Para lang tayong sumisisid, sa malabong tubig
sa ilog.
At kung tayo naman ay, laging maginhawa ang
buhay,
Baka ang mga yapak natin, tila ay wara rin
saysay,
Pag sakaling humarap na, sa mga pagsubok sa
buhay,
Agad tayo na susuko, dagli na manlulupaypay.
'Di rin naman maitatanggi, sadyang maganda
mabuhay,
Kagaya nga ng bulaklak, halimuyak'y
pumupumakaw,
Kagandaha'y pagmamasdan, abutin man buong
araw,
H'wag na h'wag lang lilimutin, sa mundo
tayo'y papanaw.
At maging sa mga damo, ihinahalintulad ang
buhay,
Ang dahon n'ya na luntian, bukas ay lanta
ngang tunay,
Bubunutin, ibibilad, pag natuyo sisilaban,
Ngunit kung may halaga ay baka pa nga ay
diniligan.
Saglit lang din itong buhay, kahalintulad ay
usok,
Pag umihip na yung hangin, tangay tunay ngang
alabok,
Kaya iwasang pumikit dapat mata'y nakatutok,
Bigla na lang mawawala, parang lobo na
pumutok.
Kaibigan tatandaan, itong buhay dadaan lang,
Isa-isip at isa-puso, tayo ay parang putik
lang,
Hinuhulma't pinipino, ng Diyos ating
kapakanan,
Kailangan lang na magtiis, kahit na kung
masakit minsan.
©MobiBard
Intellectual Rights Reserved.
No comments:
Post a Comment