NGITI

Kahapo'y kaybigat aking pakiramdam,
Para bang ang mundo'y aking pasan-pasan,
Ngunit nang ngiti mo'y aking masulyapan,
Sumaya ang puso gumaang tuluyan.
 
Hindi sinasadyang ika'y pag-ukulan,
Mahalagang oras maging ng isipan,
Sa ngiting sintamis ng pulot-pukyutan,
Manhid lang ang pusong hindi tatamaan.
 
Maging sa paghimlay sa aking higaan,
Matamis mong ngiti'y taglay ng isipan,
Hindi ka mawaglit kahit sandali man,
Mga mata'y mugto sa kinabukasan.
 
Masaya ang pusong nagninilay-nilay,
Umaasang muling sana'y makasilay,
Matamis mong ngiting nagbibigay kulay,
Pang waksi nang lungkot pag bukang-liwayway.
 
Ngunit bakit ngayo'y tila kakaiba,
At tibok ng puso animo'y may kaba,
Matamis mong ngiti 'di ko na makita,
Nabalot nang lungkot pagdaloy ng luha.
 
Ngiti na sintamis ng pulot-pukyutan,
Ngayo'y hinalinhan ng nang kalungkutan,
Umampat na sana ang luhang dahilang,
Nagbura sa ngiting ngayon ay naparam.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
Ngiti

No comments:

Post a Comment