Yaong bahay kubong pinakamimithi,
Bahay bakasyunan kapag umuuwi,
Ang bubong ay pawid
dingding aya sawali,
May sariwang hanging
malamig dumampi.
Itong bahay kubo hindi
mabubuo,
Kung wala ang nipa sangkap sa pagtayo,
Dahon ng anahaw pwede rin naman po,
Ang bubong na nipa
tanging nasa puso.
Ang puno ng sasa raming
pakinabang,
Dahon gawing pawid
sombrero't basket man,
Ginagamit din 'tong
pambalot sa suman,
Tingting gawing walis kalat maiwasan.
Nipa'y maaari na ipangalakal,
Lambanog na alak, suka,
at asukal,
Tuba na produkto
napaka-espesyal,
Kaya bumili na habang di
pa mahal.
Sa sakit na ulcer mabisang panlunas,
Mura niyang dahon pigain ang katas,
Masakit na ulo at ngiping
may butas,
Ang may angking galing ay
abo ng ugat.
Udod naman nito'y masarap
gulayin,
Kapagka gataan lagyan pampaasin,
Kung di pa natikman ang lasa n'yang angkin,
Masarap na ulam matakaw sa kanin.
Suka nito'y lunas sa may
diabetes,
Ang katas ng bunga panggamot sa herpes,
Kapag sa sasaan ay may
tumalilis,
Baka gagamutin iniindang
sakit.
©Mobibard / Intellectual
Rights Reserved.
No comments:
Post a Comment