Tao'y
lumalabas sa mga kalsada,
Dahil
sa kinapos sa kanyang kinita,
At
tulong ng hari hindi napasama.
Ang
bagsik ng haykap kamataya'y dala,
Maglagi
sa bahay yaong panukala,
Upang
maiwasang kumalat, manghawa,
Problema
ng bayan nawa ay humupa.
Ang
utos ng hari tila balewala,
Kung
kalam ng tiyan yaong nakataya,
Mga
naihayag sa mga balita,
Pangako
na tulong pilit kinakapa.
Bakura'y
taniman ng mga halaman,
Programang
solusyon ng kagawaran,
Nagbabadyang
gutom ay maiiwasan,
Kung
magtatanim nga ng gulay si Juan.
Payak
na tugon ko upang 'di mahawa,
Sa
Covid na salot at mapaminsala,
Sa
utos ng hari dapat tumalima,
Huwag
na magmaktol magtanim ng kusa.
Ampalayang tanim nawa maging tandâ,
Na
sana tayo nga'y tuluyang lumaya,
Ang
haykap na Covid nawa ay mawala,
At
mga paa ko'y sabik ng gumala.
No comments:
Post a Comment