Yaong
kagandahan kulay nagpapasya,
Kung
ika'y maputi kutis porselana,
Kaakibat
niya'y mapagpuring mata.
Ngunit
kung ang kutis ay medyo madilim,
Hindi
kagandahan pangit kung ituring,
Malimit
ay saktan madalas kutyain,
Pinagtatawanan
wagas kung hamakin.
Pati
na ang musmos naglalarong bata,
Kapag
kulay itim tawag ay baluga,
Upang
'di marinig mga pangungutya,
Pipinid
sa tabing mata'y lumuluha.
Hindi
man ginusto na maging maitim,
Mahalaga'y
budhi hindi kulay uling,
Lalong
mahalaga ang pusong 'di sakim,
Sa
sigwa ng buhay matatag o siskin.
Minsa'y
nagtatanong bakit pa may uling,
Kung
sanhing masaktan naman ang damdamin,
Ngunit
may katagang mahirap limutin,
"Bago
ka manghusga tingin sa salamin".
Ihambing
ang uling sa salang nagawa,
Ikaw
at ako nga ay pantay lang diba?
Sino
ba sa atin ang 'di nagkasala?
Ang
unang magsabing s'ya nga ay dakila.
No comments:
Post a Comment