Siya na nga 'tong nasaktan hiniwa-hiwa
pa'ng laman,
Ngunit bakit ikaw itong mga mata ay luhaan,
At hindi pa nasiyahan sa mantika'y
isinalang,
Tiniis lahat ng sakit upang ika'y
pagsilbihan.
H'wag magtaka kaibigan sa aking mga tinuran,
Nasulat ng aking pluma'y likot lang nitong
isipan,
'Di lang kase mapigilan na luha ko'y magpatakan,
Sa t'wing aking gagayatin 'tong sibuyas na
dahilan.
Ang sibuyas na halaman sa sulphur napakayaman,
Kaya naman kanyang amoy ay sobrang
napakatapang,
Nakakapalis ng sakit pamamaga at spasm,
Quercetin nito'y mahusay magsilbing
antioxidant.
Pampababa'ng kolesterol maging blood pressure
din naman,
Trangkaso sipon at ubo giginhawang
pakiramdam,
Ang nagbabadya na tumor ay mariing haharangan,
Buto ay pinapatibay at anemia'y
pipigilan.
Nagbabadyang pagkabulok ng ngipi'y maiiwasan,
Kung palaging kumakain ng sibuyas kaibigan,
Alalahanin ang ngipin dapat inaalagaan,
Matuto rin magsipilyo at araw-arawin yan! ✌️
Ang pagkain ng sibuyas dapat ay sapat din lamang,
Iwasan na magmalabis baka lomubo ang tiyan,
Dahil kung masusobrahan sanhi nang bloating
kung minsan,
Magkakakabag ang tiyan butete'ng pagkakamal'an.
No comments:
Post a Comment