Noong
unang panahon uso pa ang balon,
Igiban
ng tubig sa uhaw pang tugon,
Maging
sa pananim pandilig ding layon,
At
alagang hayop ay pinapainom.
Pati
magsing-irog tagpuan din iyon,
Matamis
na "oo" saksi yaong balon,
Dahil
'di pa uso noon itong cellphone,
Na
isang pindot lang kaagad may tugon.
Ang
halamang rosas pag hindi nadilig,
Ng
tubig sa balong saksi sa pag-ibig,
Baka
ang pag irog ay biglang manlamig,
Tiyak
magdidilim guguho'ng daigdig.
Malinaw
n'yang tubig larawa'y salamin,
Tila
nakikita ngiti mong malambing,
Kaya
h'wag lalayo huwag lilisanin,
Baka
pag-alis mo puso ay manimdim.
Sa
balon ding iyon nakamtan ang tugon,
Sa
sigwa ng buhay na puno ng hamon,
Kaya
ang kahapon pag iyong nilingon,
Sagot
na hanap mo naroon sa balon.
Ngunit
pagmasdan mo ating buhay ngayon,
Hindi
na banayad panay na ang alon,
Mga
pangarap ay tila nilalamon,
Laging
nangangapa hindi na matunton.
No comments:
Post a Comment