Madaling
araw pa kung bumangon siya,
Halos
sa magdamag kulang sa pahinga,
Gusto
mang humimlay hindi n’ya magawa,
Laging
ina’lala nakabinbing gawa.
Maghapon
sa bukid siyang nagtitiis,
Hindi
iniinda ang mga hinagpis,
Dahil
‘di pinalad trabahong de lapis,
Umaasa
pa rin sa hirap’y maalis.
Minsan
umaasa sa pamahalaan,
Kahit
konting tulong nawa’y maambunan,
Bahagyang
umangat kanyang kabuhayan,
Upang
gawang bukid siya man ay ganahan.
Ngunit
tila bakit parang sinisiil,
At
pakiwari n’ya s’ya ma’y tinatakwil,
At
kung damayan man minsan ay pa angil,
O
diba’t kay saklap nakakapang-gigil.
Ngunit
kahit hamak lang na MAGSASAKA,
Ang
Pamilyang Pinoy siya ang pag-asa,
Niyog
man o palay produkto pang iba,
Nang
dahil sa kanya tayo’y may biyaya.
No comments:
Post a Comment