Hindi
alintana, ang mga pangamba,
Makapaglaro
lang, sa tabing kalsada,
Nais
mang pumasok, maging sa arkada,
Tiyak
haharangin, kaagad ng g'wardia.
Madalas
kutyain, tawanan, hamakin,
Karapatan
man din, sila'y pasayahin,
Maging
sa liwasan, minsa'y kaladkarin,
Nararanasan
din, kung minsa'y batuhin.
Payak
lang ang nais, nilang mga yagit,
Kabataang
saya, nais lang masulit,
'Di
naman sinadya'ng, lagay na sinapit,
Kahit
manlang laro, ba't ipagkakait?
Sila'y
nangangarap, pantay na paglingap,
Yakap
ng magulang, ay inaapuhap,
Kaya
sa kalaro, tanging pakiusap,
H'wag
na h'wag lilisan, kahit isang iglap.
Pag
iyak kung minsan, ay 'di mapigilan,
Kahit
na pilitin, na siya ay tumahan,
Laging
nagtatanong, sa bigat na tangan,
Walang
mahingahan, wala rin tahanan.
Kaya
sa susunod, na ika'y lapitan,
Nilang
mga yagit, sa mga lansangan,
At
pag nagkataon, na ika'y hingian,
Itatakwil
mo ba, at pagtatawanan?
No comments:
Post a Comment