Mga pakinabang halamang labanos,
Kung kaharap lagi ang iyong panuos,
Tuklasing maigi ng iyong matalos.
H'wag lagi sa dota ika'y magpagapos,
Upang kaalama'y hindi maging kapos,
Paghahalamanan dapat tayo'y taos,
Magbungkal, maghardin, gumamit ng tulos.
Sa mabahong paa kung namumroblema,
Laman ng labanos ‘yan ang pampawala,
Ubo, paso, lagnat, sakit ng sikmura,
Panglunas na hanap ito ang mabisa.
At kung sa pagkain hanap mo'y ganansya,
Kimchi na labanos tiyak panalo ka,
Pwede rin may hibi sabay na igisa,
Gawin na kilawin kung mayrong matira.
Mayaman sa fiber maging potassium pa,
Sa ating katawan ay nagpapasigla,
Pati na blood pressure nakokontrol niya,
May anti-oxidant okey sa puso siya.
Halina sa garden tayo ay kumilos,
H'wag mo na antayin na mayrong mag utos,
Palitan ng bota suot mong sapatos,
At nang maipunla halamang labanos.
No comments:
Post a Comment