CLINGING TO THE VINE

For us to accomplish what the Master wishes,
Be connected always to the Vine as branches,
Gardener will visit fruits in us must He sees,
For when He is not pleased we'll be pruned and ablaze!
 
And so we must abide heeding all His advice,
Ourselves must be denied unto Him we confide,
Words and truth must be hide in our hearts should be tied,
As we lay down our pride in Him we sole rely.
 
To the Vine cling your heart and let it not depart,
For when we are apart we could never impart,
Bearing fruit is our part being heaven's sweetheart,
To be good and be smart and to have lionheart.
 
Thenceforth we can request and shall ask what we wish,
Everything in our list to His Name we'll addressed,
He will truly express and give us all the best,
Learn to wait and to rest and to pray and be blessed.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
Clinging to the vine

TANGING PAG-ASA

Nangako Ka na ni minsan
Ako ay 'di Mo iiwan
Ano man ang kahinatnan ng buhay.

Nangako Kang kahit kailan
Di Mo 'ko kalilimutan
Sa puso Mo ako laging laan.

Tulay:
At ngayon tunay ngang masasabi ko
Panginoon 'di Ka nga nagbabago
Mula noon, ngayon, maging hanggang sa lumaon
Pag-asa ko'y Ikaw Panginoon.

Kuro:
Tanging pag-asa Ka
Lagi kong kaagapay
Tanging pag-asa ka
Ikaw ang s'yang karamay
Di na mangangamba 
Pagkat kapiling Ka
Kalinga nang mga pangako Mo
Tanging pag-asa.

Words & Music: Chris O. Orcuse

Letter To The GEM

Be gone. That’s the first and final thing that you’ll hear from me. Don’t expect me to call you ‘dear’, you never were. You bring me nothing but discomfort, you wicked thing on earth.

MY SOLITUDE

Bearing the weight, the magnitude,
Scattered debris and shattered hope,
Unknown dimension yet dreams unfold,
A broken cistern, my solitude.
 
A thirsty desert and dusty road,
Unfigured terrain and unknown world,
An empty vessel yet filled with words,
Looking for answer but none resolved.
 
Alas! I felt a prairie wind kissed!
Embraced the silence, comfort prevailed,
Trying to clench, embracing still,
Grasping Your spirit, Thy presence feel.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
My Solitude

CHIKOO (Manilkara Zapota)

ARARO (Plow)

Lahat ng nangagtatanim iisa yaong mithiin,
Binhing sa lupa’y ‘pinunla aalagaa’t didil’gin,
Kaniyang palalaguin ang halamang itinanim,
Upang sa takdang panahon saganang ani kakam’tin.
 
Napakahalagang bagay kagamitan sa pagpunla,
Ang antigo na araro at kalabaw na panghila,
Kalakip ng panalanging kalangita’y maghimala,
Harinawa! Ay ulanin ang natitigang na lupa.
 
Larangang dalubsakahan araro’y presyosong gamit,
Lalo na’t lupa ay tigang kung umulan ‘di malimit,
Marapat lamang linangin ang sinasaka na bukid,
Nang sa gayon ang lupain saganang ani makamit.
 
Maging ating kabataan linangin din ang ugali,
Kahit bata ay maalam kung hindi wasto ang gawì,
Kapagka inuutusan nguso’y agad nakangiwi,
Kung sumagot sa magulang animo sila ay hari.
 
Pagpasok sa paaralan dapat lamang pag-igihan,
At sa mga natutunan iangkop sa kagawian,
Magulang ay pakitaan minsa’y pagmalasakitan,
Araruhin kahit saktan ‘yung dotahan na tambayan.
 
At dapat na linangin din maging ating mga puso,
Kung singtigas na ng bato ang isipan at ang ulo,
Sa mga maling prinsipyo at ang pagtatalo-talo,
Dapat na mag-unawaan at magmahalang totoo.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

SHIELD

O Lord I will not be afraid,
Though ten thousands are against me,
Even if they fight and troubled me,
I will not be moved nor be dismayed.

O Lord, You are my shield,
You sorrounded me with Your glory,
You cover me with Your Holy presence,
Your pow'rful arms protects me,
For You're my shield.

O Lord I cried out to You,
And heard me from Your holy mountain,
Then You struck all my enemies,
Till their teeth and cheekbones are all broken.

** 
I worship You my Lord,
I worship You my stronghold,
I worship You my fortress and deliverer,
For You are powerful my Lord...

Words: John A. De Guzman
Music: Chris O. Orcuse

HAMOG

Ang buhay na sa‘ting handog kahanlintulad ng hamog,
Ngayo’y ating nakikita maya’t-maya’y mahuhulog,
Kung hindi magiging tapat nitong buhay na kaloob,
Tila tayo’y nangangapa sa malabong tubig-ilog.
 
Kapag tayo nama'y laging maginhawa’t matiwasay,
Baka ang mga yapak natin malamang wala rin saysay,
Pag sakaling humarap na sa pagsusulit sa buhay.
Agad tayo na susuko dagli na manlulupaypay.
 
Ang mabuhay ay masarap iya'y 'di maitatanggi,
Kagaya nga ng bulaklak samyo ay kawili-wili,
Kanyang ganda'y pagmamasdan sa umaga hangang gabi,
Ngunit huwag lilimutin malalanta ang sarili.
 
Inihahalintulad din ang buhay sa mga damo,
Sa luntiang mga dahon tayo'y parehong pareho,
Ang angking kasariwaa'y basta nalang maglalaho,
Pag nalanta at natuyo sisilaban ng posporo.
 
Saglit lang din itong buhay kaparehas niya'y usok,
Pag umihip yaong hangin tangay tunay ngang alabok,
Kaya’t  iwasang pumikit dapat mata’y nakatutok,
Bigla na lang mawawala parang lobo na pumutok.
 
Itong buhay dadaan lang tandaan mo kaibigan,
Isa-puso't isa-isip na tayo'y mga putik lang,
Hinuhulma’t pinipino ng Diyos ating kapakanan,
Kailangan lang magtiis kahit kung masakit minsan.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

SLUMBER

I was standing when you passed by at the corner,
Suddenly our eyes met and a beautiful smile you did offer,
I bow my head looked at the ground and start to wonder,
Why I just can't resist your charm as you come closer.
 
Should I look back and smile on you seem someone whisper,
Or just let go the feelings and let it just linger,
For I don't want to hurt my heart not any longer,
The pain in me still remains when left by a lover.
 
Still my mind keeps telling to look on you further,
Yet such a chance to behold you I cannot bear,
And to despise your countenance would be to err,
I can't forgive myself for this when you left after.
 
When I looked back to behold you oh, you were still there,
That sweet smile captured my heart they became sweeter,
Then suddenly you reach my hands holding me dearer,
That was the sweetest dream I have while I'm on slumber.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
Slumber

KAWAD

Kahit saan pang anggulo,
Kung tingnan tila kay gulo,
Direksyo'y nakakalito,
Di alam saan ang tungo.

Ngunit baybayin nang husto,
Sa umpisa hanggang dulo,
Doon lang mapagtatanto,
Ilaw pala ang disensyo.

Buhay kawangis ma'y kawad ng MERALCO,
Dapat nagbibigay liwanag sa mundo.


GARATIYA

Minsan ako'y niyaya ni San Pedro gumala,
Kanyang ikinukwento sabik akong makita,
Pagdaka ay nabuksan pinto na mahiwaga,
Pinto pala ng langit, aba! ako'y nabigla!
 
Mga nasaksihan ko ay nakagugulantang,
Ang mga natanaw ay 'di ko inaasahan,
Tila baga'y sekretong sadyang nahiwagaan,
Animo ay nililo nagtalo ang isipan.
 
Mga dating lasenggo ang una sa nasulyap,
Dati na magnanakaw dito ay mahahanap,
Mga makasalanan dami kong nahagilap,
Mali nga ba si Pedro at akong nakausap?
 
Isipa'y nagtatalo tinanong ko ang Kristo,
"Sila ba'y nararapat patirahin Mo dito?"
Ang tugon N'ya sa akin tumagos sa'king puso,
"Sila'y nagtanong din kung bakit ka nandito?"
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

NGITI

Kahapo'y kaybigat aking pakiramdam,
Para bang ang mundo'y aking pasan-pasan,
Ngunit nang ngiti mo'y aking masulyapan,
Sumaya ang puso gumaang tuluyan.
 
Hindi sinasadyang ika'y pag-ukulan,
Mahalagang oras maging ng isipan,
Sa ngiting sintamis ng pulot-pukyutan,
Manhid lang ang pusong hindi tatamaan.
 
Maging sa paghimlay sa aking higaan,
Matamis mong ngiti'y taglay ng isipan,
Hindi ka mawaglit kahit sandali man,
Mga mata'y mugto sa kinabukasan.
 
Masaya ang pusong nagninilay-nilay,
Umaasang muling sana'y makasilay,
Matamis mong ngiting nagbibigay kulay,
Pang waksi nang lungkot pag bukang-liwayway.
 
Ngunit bakit ngayo'y tila kakaiba,
At tibok ng puso animo'y may kaba,
Matamis mong ngiti 'di ko na makita,
Nabalot nang lungkot pagdaloy ng luha.
 
Ngiti na sintamis ng pulot-pukyutan,
Ngayo'y hinalinhan ng nang kalungkutan,
Umampat na sana ang luhang dahilang,
Nagbura sa ngiting ngayon ay naparam.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
Ngiti

DIYOS IKAW

Ikaw ang tanggulan O Diyos,
Sa'yo lumalapit kapag tao'y kapos,
Pag-ibig Mo'y walang hanggan,
Biyaya Mo ay kailan pa man nakalaan.

Ikaw ang tanging sandigan,
Sa mga hukbo ng kasamaan,
Hindi bigo ang sa'yo'y lumapit,
Laging laan ang dakila Mong pag-ibig.

Koro:
O Diyos Ikaw ang tanging tanggulan,
O Diyos Ikaw ang tanging sandigan,
O Diyos Ikaw ang tanging aasahan,
O Diyos pag-ibig ko'y Ikaw, Ikaw.

Tulay:
Wala nang dapat na pangangambahan,
Pangako N'ya ika'y sasamahan kailan pa man.

Words & Music: Chris Opeña Orcuse

PATAGO

Wala natudlu-i, indi gindiktahan,
Apang tagipusuon, iya nga nabal-an,
Sa kadamuon sang tawo, sa bilog nga kalibutan,
Ang kagwapahon mo, wala gid sang komparahan.

Samtang ikaw ginatulok, kag ginahimutaran,
Sa painu-ino ko, nabatiagan na sang dughan,
Indi gid mapunggan, indi pag-untatan,
Ginapalangga ko ikaw, kinahanglan mo mabal-an.

Apang nga-a amo sini, daw pagkapait man,
Mahibal-an ko, may iban ka nga gintugyanan,
Basi palang ako, imo mahatagan,
Pagpalangga, bisan patago man.

SA PILING MO

Kahit saan ako pumaroon,
Ika’y nando’n sa ‘ki’y nakatuon,
Kahit anong kubli pa ang gawin,
Sa isip ko lagi Kang nasasaling.

Tulay:
‘Di na muli pang tatakas sa ‘Yo
‘Di na muli pang lalayo sa piling Mo

Kuro:
Panginoon, sa piling Mo’y may katiyakan,
Paglingap Mo sa akin ay laging laan,
Pag lumayo Iyong susundan,
Pag mawalay masusumpungan.

Kahit ano man ang aking gawin,
Maging lihim nababatid mandin,
Kahit maging aking sasabihin,
Ay talos Mo bago ko bigkasin.

Words & Music: Chris Opeña Orcuse

SIMBOLO

Maraming bagay ang kayhirap malirip,
Tila may hiwagang sadyang naka ukit,
Tulad nitong haykap mapamuksang sakit,
Kahit na iwasan sadyang nahahagip.

Hindi naman kaya ito'y inimbento,
Mga dalubhasa at pantas na tao,
Lingid man sa atin hiwagang sekreto,
Ay dapat aralin at nang mapagtanto.

Huwag pakampante, dapat na alamin likod ng simbolo.

Simbolo
National Academy of Medicine (NAM) Official Logo

MAPAGMANMAN

Mabuti pa 'tong si Pacman nakikita sa daanan,
Ang Covid na mapaglinlang 'di makita kung nasaan,
Kung kaya'y dapat mag ingat manatili sa tahanan,
Kapag lagi sa lansangan kamataya'y nakaabang.

Ngunit kayhirap pigilin na lumabas si kabayan,
Di rin naman masisisi kapag kumalam ang tiyan,
Tulong ng pamahalaan hanggang ngayon 'di makamtan,
At pag nakitang lumabas huhulihin, pupusasan.

Bawat isa ay mag ingat mapagmatyag, mapagmanman.

DALAMPASIGAN

Sa may tabing dagat pag-ibig ay namulat,
Kasin-saya ng alon at sing lalim ng dagat,
Kahit na may balakid 'di gagawing lumikat,
Ipaglalaban lagi pag-ibig kong tapat.
 
Magmula sa umaga puno na nang saya,
Minsan tawanan natin abot langit sinta,
Sa may buhanginan hawak kamay kita,
Kung minsan ay yakapin at bubuhatin pa.
 
Madalas tayo abutin hanggang sa takip-silim,
Uupo sa buhangin panay lambingan natin,
Pagdáka mga mata sabay pipikitin,
Hanggang maramdaman halik na madiín.
 
Minsan tayo'y inabot hanggang sa kinaumagahan,
Tayo ay magkayakap nang ating namalayan,
Akala ko kanina'y nananaginip lamang,
Narating natin ang rurok yaong kalangitan.
 
At pagkatapos noon 'di ka na muling nakita,
Araw-araw akong sa dalampasigan nagpupunta,
Nagbabakasakali na baka mapasyal ka,
Magpahanggang ngayon antay pa rin kita.
 
Heto ako ngayon sa t'wina'y nag iisa,
At ang dalampasigan kung pasyalan madalang na,
At kung baka sakali sumagi sa 'yong alaala,
At kung tatanungin mo heto ako may apo na.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
Dalampasigan
Campidhan Beach, San Julian, Eastern Samar, Philippines

AYUNGIN

Kamakailan lang sa may kabayanan,
Itong sina Chairman ay nagkatuwaan,
Mga matatanda pinagkaisahan,
Sa larong takbuhan sila’y sinubukan.
 
Abá! Int’resado raming na-engganyo,
Ayaw magpa-awat lahat ay may gusto,
Matibay naman daw ang tuhod at butó,
Dahil kumakain ng prutas na chikoo.
 
Hindi man ans’yano ako’y mahilig din,
Hindi sa takbuhan kundi ang kumain,
Nang prutas na chikoo h’wag lang mabibitin,
At upang sa sanga’y hindi lumambitin.
 
Ang prutas na ito’y mayaman sa calcium,
Pampatibay butó phosphorus at iron,
Kung kayâ si lolo kumasa sa hámon,
Basta’t papayagang may bitbit na baston.
 
Sa lamig at ubo mabisang pangontra,
Lulusawing husto namumuong plema,
Paninigarilyo’y tigilan na sana,
Paghinga ay tiyak lalong giginhawa.
 
Napakabisa rin nito na panlunas,
Sa buhok na minsa’y nagkakanda-lagas,
Butó ng langis lang ang makalulutas,
Sa pagkakapanot na bunga’y kangalas.
 
Mga bitaminang A, E, C, na bitbit,
Gamot na mabisa at nagpapakinis,
Gaganda na tiyak balat na karetkét,
Pampabata tingnan pampagandang kutis.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
Ayungin

ALIMURAN (Snake Fruit)

Itong alimurán masusing pagmasdan,
Animo ay ahas ang balat kung tingnan,
Kung hindi nga alam mapagkakamalán,
Itong prutas palá ay bunga ng rattan.  
 
Pag binabalikan mga alaala,
Nagdaang panahon may ilang dekada,
Butong alimuran laruang kayganda,
Sa sungkâ, at jackstone, sa tirador-bala.
    
Tawag ay Kalápi sa iba'y Kayapi,
Punòy matitinik bunga’y natatangi,
Kapagka natikman kayhirap tumanggi,
Sapagkat ang lasa ay kawili-wili.
     
Sa fiber na taglay kalusuga’y sapat,
Sa timbang mabisa ito na pambawas,
Kaunting kainin sa tiya’y mabigat,
Hindi maaksaya magsaing ng bigas.
     
May antioxidant na garantisado,
Balát na magaspang paplantsahing husto,
Pekas, taghiyawat, kulubot na noo,
Ay pipirinsahin nitong todo-todo.
     
May beta carotene pampalinaw-tingin,
Sa digestive system mahusay ang tannins,
Nagpapalusog din ‘tong prutas sa’ting brain,
At kung may duda ka’y i-Google mo na rin.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.

PANULATON

Manami ang imo guya bisan ako nagapiyong akon makita,
Mga bibig mo nga mapula gusto nga mahalukan ka,
Ang matahum mo nga lawas mahakus bisan kaisa,
Makaptan kamot mo nga mamag-an daw galupad akon pamatyagan.

Kadamu sang gusto himuon kon tani ako man imo tamdun,
Kon puede lang nga butungon dalhun asta sa kadulmon,
Kag didto ang gusto himuon ako magdinalag-on
Apang asta sa subong nga tinion ikaw akon pagadamguhon.

Amo ina nga sa subong pabayaan masulat sang lapis ko,
Ang gina-ingus sang dughan himuon sa imo ang gusto,
Mahalukan kag mahakus tubtob nga isa na lang ikaw kag ako,
Tani malab-ut ang gusto bisan paagi man lang sa panulaton ko.

TULONG SA SAKAHAN

May maidudulot kaya sa'king abang kalagayan?
Mga paang nasa lusak maahon sa kahirapan,
Dahil tila walang sagot sa sigaw o sa daing man,
Mistula ay minana pa mula gasong kasanggulan.
 
O, akin ngang napagtanto sa'king pagninilay-nilay,
Mga tanim ko't halaman tuluyan ang pananamalay,
Dahil kulang sa patubig na natatanging karamay,
Kung ulan lang aasahan kawawang palay at gulay.
 
Sa mga nanunungkulan aming dulog nama'y dinggin,
Maralitang mamamayan panaghoy na kalingain,
Dahil sinasakang bukid siyang bukal ng pagkain,
Lunong kat'wa;y mangatog man patuloy na lilinangin.
 
Mayro'ng mapagkukuhanan kakaylanganing abono,
Ngunit ani'y di sasapat malamang pa'y abonado,
Aming payak na pamanhik gobyerno ay sumaklolo,
Hindi nga ba't no'ng halalan binigkas sa entablado?
 
Ngunit kung laging bangayan itong aming maririnig,
Sa mga nanunungkulan sino sa amin kakatig?
Ang tulong bang nakalaan dakdakan lang ba ng bibig?
Hinahanap naming tulong abono maging patubig.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
Tulong sa sakahan

TANGING IKAW

TANGING IKAW
Words & Music: Chris Opeña Orcuse

Noon pa ma'y pinagmamasdan na kita,
Handang ibigay sa'yo nais mo sinta,
Ngunit bakit naman lumalayo ka,
Ang naisin ko lang naman sana,
Tangapin ang alay kong pag-ibig sayo.

Kung nalalaman mo lamang na tanging ikaw,
Laman ng puso't isipan ko bawat araw,
Lumapit ako sa iyong totoo,
Maunawaan mo ako ng husto,
Buhay ko nilaan lamang sa'yo.

Koro:
Basta't ikaw tanging ikaw,
Sa buhay ko'y ikaw ang tanging 'sinisigaw,
Basta't sa'yo tanging sa'yo,
Sa'yo ko lang nadarama ang damdaming 'to.

©MobiBard
Intellectual Rights Reserved.
Tanging Ikaw
Photo Credit: Jireh Chris S. Orcuse

KAHIT BATA MAN

KAHIT BATA MAN
Words & Music: Chris Opeña Orcuse

Kahit munting bata man ako,
Mura pa ang isipan,
Ngunit nalalaman kong,
Kabahagi ako sa kaharian.

'Di man kaya pang bigkasin,
Ang mga nararamdaman,
Ngunit batid ng puso na mahal ni Hesus,
Ang katulad kong bata lamang.

Koro:
Kahit bata man ako,
Laan naman sa puso ni Kristo,
Ang pagmamahal Niya'y pananaligan ko,
Ipamamalas din sa mga batang katulad ko.

©MobiBard
Intellectual Rights Reserved.
Fast Readers Christian Learning Center 4th Clossing Exercises

PAKÔ (Fiddlehead fern)

Minsan sa handaan ako’y nakadalo,
Ah, hindi gatecrasher ako’y kumbidado,
Okasyong kainan, abá! Gustong-gusto,
Kung di ko pa alam parehas lang tayo.
      
Sa raming pagkaing handa sa lamesa,
Katakam-takam nga’t kahali-halina,
Nakatawag-pansin sa’king mga mata,
Yaong nakahaing pakông ensalada.
      
Ang gulay na ito ay pangkaraniwan,
Sa may tabing ilog ay matatagpuan,
Kung sa paghahanap ay nahihirapan,
Mainam magtungo sa Pamil’hang Bayan.
      
Mayaman sa calcium itong ating gulay,
Ang ngipin at butó ay pinatitibay,
Dahil may thiamine at iron na taglay,
Maiiwasan na ang panlulupaypay.
      
Hinahanap-hanap na tumpak na tugon,
Sa “pa’no gagaan?” na palaging tanong,
Dahil nga sa tabâ't kalor’yang naipon,
Ang fiber sa pakô ang tanging solusyon.
 
Upang mga mata ay maging malusog,
Sangkap ang elétsong tagapagtaguyod,
Kayâ maghanda nang kayurin ang niyog,
Mag-gatâ nang Pakô kahit walang sahog.
 
©Mobibard / Intellectual Rights Reserved.
Paco